Mass Media at Teknolohiya: Kaunlaran o Katapusan ng Wikang Filipino

Pak ganern”, “selfie”, “pabebe” at “bae” ay ilan lamang sa mga salitang na imbento dahilan sa pag-usbong ng teknolohiya kasabay ang social media at pagpatok nito sa mga kabataan. Malaki ang naging epekto ng pag-usbong ng mass media at teknolohiya sa ating wika.

       Inaamin kong gumagamit rin ako ng mga salitang nauuso sa facebook, dahil sa pakikibagay ko sa aking kapaligiran, kahit ikaw nga na nagbabasa nito aminin mo ginagamit mo rin ang mga salitang ‘yan diba? Sa ayaw mo’t sa gusto, maririnig at mababasa mo ang mga salitang ‘yan araw-araw, nakakarindi ma’ng pakinggan ngunit kinakain na tayo ng systemang dulot ng pagbabago. Isa sa aking mga kaibigan ay kinareer na ang paggamit ng mga makabagong salita “Uy friend! Nasasaktan ako dahil of my bae, minahal ko siya ng pak na pak pero iniwan niya ako ng ganern- ganern nalang Imma cry huhu” pabebe ang tawag diyan. Ang pangit- pangit tingnan, isang Pilipino ngunit hindi na alam ang tamang pagbaybay ng sariling wika, ang pangit-pangit pakinggan sa isang kabataang hindi man lang marunong gumawa ng gawaing bahay. Pinoy ka diba? At ang ginagamit nating wika ay ang wikang Filipino, ngunit bakit parang nakalimutan na natin ang kompletong pagbigkas nito at hinahaluan pa ng banyagang salita? Ahh, tama nga pala uso narin ang ganitong pasosyal na salita “conyo” ika nga nila.

           Kung ginagamit mo ang mga salitang ito, hindi naman ito nangangahulugang ikaw ay bobo o walang utak, ngunit ikaw lamang ay nadala sa agos ng panahon kung saan maraming bagay ang naiimbento at dahil ayaw mo ring mahuli sa uso. Kailangan lang nating isa-isip kung ano ang mga bagay na angkop at hindi angkop gawin dahil tayo ay kamalayan na at alam na natin kung ano ang tama at mali. Ipahayag ng maayos ang saloobin sa pormal na paraan at hindi sa impormal upang mas madali ninyong maintindihan ang isa’t isa.

             Parte ng pag-unlad ng isang bansa ang pagkakasali sa mundo ng globalisasyon kung saan mas lubusang nagagamit ang teknolohiya at mass media. Ngunit hindi ibig sabihin ay may karapatan na tayong kalimutan at hindi bigyang pansin ang kinagisnang pamumuhay, dapat ay maging daan ito upang mas mapausbong ang ating kultura. (S, 2016)

Depinisyon:
Conyo – ang paghahalo ng iba’t ibang mga lenggwahe 
Pabebe – pagsasalita o pag-aasta bilang bata

Photo Credits:

 

Ikaw ba ‘to?

“Kasabay ng paglipas ng panahon ang mabilis mong pagbabago.” Hindi na ikaw ang dating palatawa at mapaglarong kabataang nagbibigay-buhay sa mga lansangan at bumabasag sa nakabibinging katahimikan ng kapaligiran. Malaon nang naglaho ang ngiti sa iyong mga labing nagdudulot ng sigla sa sinumang makakita; hindi na maaninag sa iyong mga mata ang dating maamong kislap na kababanaagan ng saya at kakuntentuhan sa buhay; at nawala na sa iyong himig ang lambing na dulot (at nagdudulot) ng inspirasyon sa iyong mga mahal sa buhay.

Ngayon, nakakulong ka na lamang sa silid kaharap ang kahong hindi maiwan kahit saglit ng iyong paningin – isang kahong ginagamit mo upang magtungo sa pangarap mong pook, kung saan ang karahasan at kalaswaan ay hindi ipinagbabawal. Ang mukha mo ay larawan ng poot habang ang mga daliri ay nanggagalaiting pinapatay ang mga kapwa kabataan sa isang laro kung saan kayo ay nabubuhay sa katauhan ng mga diyablo. Digmaan, pagdanak ng dugo, at kamatayan ang nagdudulot sa iyo ng kagalakan.

Makapal na ang alikabok ng mga libro mo at natutuyo ang tinta ng pluma, sapagkat ang tanging kilala mo na lamang ay ang mga kagamitang umiilaw, pinipindot, tumutunog, may gumagalaw na mga larawan, o ang mga maaaring gamitin upang makipag-usap sa ibang tao sa isang iglap, gaano man sila kalayo.

“Kasabay ng paglipas ng panahon ang mabilis mong pagbabago”, ngunit nangangahulugan ba itong ang paglipas ng panahon ang dapat sisihin sa iyong pagbabago?

Panahon na ng modernisasyon kung saan ang teknolohiya ay patuloy na yumayabong at lumalaganap. Ito ay patunay na malayo na ang nararating ng mga mapanaliksik na isip ng mga tao. Madali na ang lahat. Ang mga mahusay at halos perpektong nagagawa ng mga hi-tech na gamit ay may napakalaking tulong at kontribusyon sa pagpapaunlad ng lipunan. Ngunit bakit ganyan ang epekto nito sa iyong pagkatao?

Ang lahat ng sobra ay nakasasama. Dapat mong alalahanin na maganda ang daigdig – ang totoong daigdig at hindi ang katha ng iyong isip – kung bubuksan mong muli ang iyong paningin sa kapaligiran mong puno ng kulay; masaya ang buhay – ang tunay na buhay at hindi ang iyong pantasya – kung susubukin mong muling maglaan ng oras sa mga taong nagpapahalaga sa iyo; at higit sa lahat, masarap mabuhay sa sarili mong katauhan – at hindi sa katauhan ng anumang walang pakiramdam, pang-unawa, at kaluluwa – kung matututunan mong tanggapin na ang ikaw na kilala mo, ay ang ikaw na pinili ng Diyos upang maging anak Niya, gaano man karami ang iyong pagkukulang.” (Guzman, 2017)

Makabagong Teknolohiya, Makabagong Kabataan

HINDI MAIKAKAILA na kasabay ng pag-usad ng ating bansa ay ang paglaganap din ng iba’t-ibang teknolohiya. Teknolohiya tulad na lamang ng mga cellphones, computers at ngayon ay ang internet kung saan mayroong facebook, instagram, at kung anu-ano pang websites, na karaniwang ang mga tumatangkilik ay ang mga kabataan ng makabagong henerasyon.

Sa katunayan ayon sa ulat sa Chapter 5: The Digital Generation: How Young People Have Embraced Computers And The Internet, matanda o bata man hindi tataas sa gulang na 25 ay gumagamit ng mga nasabing teknolohiya. Dahil sa gulang na 10 pa lamang ay natutunan na ang paggamit nito.

Ayon pa din sa ulat ay mas malaki ang posibilidad ng pagkakaroon ng “computers, cellphones” sa mga tahanang binubuo na mayroon malaking bilang ng mga kabataan kaysa sa pamilyang kaunti ang anak. Tinatayang nasa 70.1% kumpara sa 58.8%.

Hindi naman image002natin maisasantabi ang mga mabuting dulot nito sa atin. Gaya na lamamg sa  pagkuha ng mga impormasyon sa kung anumang partikular na isyu. Gayundin, makakatulong ito sa mga kabataan na magkaroon ng komunikasyon sa mga kamag-anak, lalo pa at karamihan sa ating mga Pilipino ay mga OFW. Kaugnay nito, maaring makahanap ng mga bagong kaibigan , higit para sa mga taong nahihiyang makipagusap ng tradisyonal at makipagkaibigan sa iba. (Octa, 1970)