Mass Media at Teknolohiya: Kaunlaran o Katapusan ng Wikang Filipino

Pak ganern”, “selfie”, “pabebe” at “bae” ay ilan lamang sa mga salitang na imbento dahilan sa pag-usbong ng teknolohiya kasabay ang social media at pagpatok nito sa mga kabataan. Malaki ang naging epekto ng pag-usbong ng mass media at teknolohiya sa ating wika.

       Inaamin kong gumagamit rin ako ng mga salitang nauuso sa facebook, dahil sa pakikibagay ko sa aking kapaligiran, kahit ikaw nga na nagbabasa nito aminin mo ginagamit mo rin ang mga salitang ‘yan diba? Sa ayaw mo’t sa gusto, maririnig at mababasa mo ang mga salitang ‘yan araw-araw, nakakarindi ma’ng pakinggan ngunit kinakain na tayo ng systemang dulot ng pagbabago. Isa sa aking mga kaibigan ay kinareer na ang paggamit ng mga makabagong salita “Uy friend! Nasasaktan ako dahil of my bae, minahal ko siya ng pak na pak pero iniwan niya ako ng ganern- ganern nalang Imma cry huhu” pabebe ang tawag diyan. Ang pangit- pangit tingnan, isang Pilipino ngunit hindi na alam ang tamang pagbaybay ng sariling wika, ang pangit-pangit pakinggan sa isang kabataang hindi man lang marunong gumawa ng gawaing bahay. Pinoy ka diba? At ang ginagamit nating wika ay ang wikang Filipino, ngunit bakit parang nakalimutan na natin ang kompletong pagbigkas nito at hinahaluan pa ng banyagang salita? Ahh, tama nga pala uso narin ang ganitong pasosyal na salita “conyo” ika nga nila.

           Kung ginagamit mo ang mga salitang ito, hindi naman ito nangangahulugang ikaw ay bobo o walang utak, ngunit ikaw lamang ay nadala sa agos ng panahon kung saan maraming bagay ang naiimbento at dahil ayaw mo ring mahuli sa uso. Kailangan lang nating isa-isip kung ano ang mga bagay na angkop at hindi angkop gawin dahil tayo ay kamalayan na at alam na natin kung ano ang tama at mali. Ipahayag ng maayos ang saloobin sa pormal na paraan at hindi sa impormal upang mas madali ninyong maintindihan ang isa’t isa.

             Parte ng pag-unlad ng isang bansa ang pagkakasali sa mundo ng globalisasyon kung saan mas lubusang nagagamit ang teknolohiya at mass media. Ngunit hindi ibig sabihin ay may karapatan na tayong kalimutan at hindi bigyang pansin ang kinagisnang pamumuhay, dapat ay maging daan ito upang mas mapausbong ang ating kultura. (S, 2016)

Depinisyon:
Conyo – ang paghahalo ng iba’t ibang mga lenggwahe 
Pabebe – pagsasalita o pag-aasta bilang bata

Photo Credits:

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s